Tuesday, January 19, 2016

#2 - Paglaya

Palayain mo ako sa ganda ng iyong ngiti at sa kung paano nito kinumpleto ang aking mga araw.
Palayain mo ako sa iyong yakap na nagpapatahan sa puso kong napapagal.
Palayain mo ako sa tamis ng mga halik na pinaramdam sa akin dati kung gaano mo ako kamahal.
Mahal, palayain mo na ako sa mga alaala ng pag-ibig nating akala natin ay magtatagal.

#1

Nais kong ilabas ang lahat ng aking nararamdaman ngunit maski ang mga salita'y hindi yata sasapat upang maalis ang pangungulila ko sa'yo.